Connect with us

Lagundi at VCO, epektibo laban sa mild COVID-19 symptoms – DOST

Lagundi at VCO, epektibo laban sa mild COVID-19 symptoms – DOST

National News

Lagundi at VCO, epektibo laban sa mild COVID-19 symptoms – DOST

Matapos ang mga pagdiriwang noong holiday season, uso sa panahon ngayon ang mga nagkakasakit.

Nagkakaubusan na nga ng mga paracetamol sa mga botika.

Kaya naman kanya-kanyang paraan sa paghahanap ng alternative medication ang lahat.

Isa na nga rito ang paggamit ng lagundi at virgin coconut oil.

Base sa ulat ng Department of Science and Technology (DOST), lumalabas na epektibo ang lagundi at VCO laban sa mild COVID-19 symptoms.

Paliwanag ni Undersecretary Rowena Guevara, ang lagundi ay nagbigay ginhawa sa mga may mild symptoms batay sa clinical trial na natapos noong August 2021 kung saan may 278 participants.

Aniya, ang mga adult na may mild cases ay pinainom ng 600 milligrams (MG) ng lagundi, tatlong beses araw-araw sa loob ng sampung araw.

“Maganda ang naging resulta dahil naibsan ang mga sintomas ng mild COVID-19 cases lalo na iyong pagkawala ng pang-amoy at walang adverse event or incidents kapag ginamit ang Lagundi sa mga mild COVID-19 cases.” – Usec. Guevarra

Samantala, sinabi rin ni Guevara na maaari ring inumin ang VCO bilang gamot sa mild COVID-19 symptoms.

“Base sa community trials ng DOST-Food and Nutrition Research Institute (FNRI) sa Sta. Rosa, kung saan nilalagay nila ang VCO sa pagkain ng mga participants na mild COVID cases bilang dagdag sa standard na pangangalaga. Nababawasan ang mga sintomas ng mild COVID cases at hindi nagiging severe case at mas maaga silang gumagaling.”

Bukod sa pag-inom ng VCO, pwede ring ilagay ang VCO sa pagkain para sa may mga mild COVID cases upang maibsan ang mga sintomas.

Dagdag naman ni Guevara na ang mga producer ng virgin coconut oil ay kailangang pumasa sa mga requirements ng Food and Drug Administration (FDA) bago sila mabigyan ng lisensiya para makapag-operate.

Aniya kailangang akma ang mga gagawing VCO sa Philippine National Standards (PNS) para sa VCO at susuriin din ng FDA ang production line para sa  good manufacturing processes, food safety at iba pa.

More in National News

Latest News

To Top