National News
Lahat ng lahi, pasok sa ipinatutupad na ban ng flights sa Pilipinas dahil sa 2019 nCoV
Sakop ng ipinapatupad na total ban ng flights papuntang Pilipinas ang lahat ng lahi mula sa mga bansa na tinukoy ng pamahalaan. .
Ito ang nilinaw ni Grifton Medina, hepe ng Bureau of Immigration Port Operations Division sa panayam ng Sonshine Radio kasunod na rin ng banta ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).
Aniya, hindi lang nakalaan ang ban sa mga Chinese bagkus sa lahat ng magmumula sa China maging ang mga galing sa Hong Kong at Macau anuman ang lahi nito.
“Base po sa order ng ating pangulo, ang mga lugar lang po na pinanggagalingan ng flights regardless of the nationality are yung from mainland China, Hong Kong at Macau special administrative region. Yung tatlong lugar lang po ‘yun. Kapag ang isang eroplano, ang isang barko ay galing po ng nasabing mga bansa o lugar, ay hindi din po natin puwedeng papasukin,” saad pa ni Medina.
Hindi naman sakop ng ban ani Medina ang mga Filipino citizens at ang mga may Permanent Status o Permanent Visa Holder sa Pilipinas regardless pa din kung anong lahi nito.
Batay sa pinakahuling tala, umabot na sa 425 indibidwal ang namatay dahil sa 2019 nCoV.
Nasa 20,326 na indibidwal naman ang infected ng naturang nakamamatay na virus.