Connect with us

Lahat ng links na natatanggap sa text, ituring na scam

Lahat ng links na natatanggap sa text, ituring na scam

National News

Lahat ng links na natatanggap sa text, ituring na scam

Ituring na scam ang lahat ng mga link na natatanggap sa texts.

“March pa lang nagbigay na ng memo ang Bangko Central sa mga financial institutions at saka sa mga bangko na bawal na maglagay ng mga link message, sa SMS message saka sa email. So, kaya ngayon kapag nakatanggap ka ng link na galing sa hindi mo kakilala o kahit sa kakilala mo, bantayan mo kasi may possibility na scam ‘to. So, dapat i-consider natin na lahat ng link na matanggap natin, scam ‘yan, kaya ‘wag na ‘wag kang magki-click ng link,” ani Samaniego.

Ito ang paalala ng tech editor na si Art Samaniego sa panayam ng Sonshine Radio bilang suporta sa utos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mga telecommunication companies na i-deactivate ang links mula sa mga kahina-hinalang site sa text messages.

No description available.

Nitong September 13 nang inilabas ng NTC ang isang memorandum para sa telcos ukol dito kung saan lahat ng domains, URLs, tinyurls, smart links (QR) codes mula sa kahina-hinalang sites ay i-block o i-deactivate.

Paalala pa ni Samaniego sa publiko, maging responsable sa paggamit ng social media at huwag mag-overshare ng anumang personal na detalye o ang ginagawang aktibidad.

“Over kill na siya eh so sobra na siya, so kasi sa Sim Card Registration kailangan mong magpakita ng ID, kailangan ma-identify ka na ikaw ay may-ari ng number na ‘yun. Tapos dadagdagan mo nang social media registration pa na may kasamang I.D. So sobra na siya,” dagdag pa nito.

Samantala, tinawag naman ni Samaniego na overkill ang ipinanukala ni Sen. Lito Lapid na mag-submit ng valid ID bago magparehistro ng social media accounts ang lahat ng social media users.

Nakasaad din sa panukala na ang sinumang magbibigay ng hindi totoong identity ay pagbabayarin ng P100-k o hanggang anim na taong pagkakakulong.

More in National News

Latest News

To Top