Connect with us

Lahat ng manggagawang Pinoy sa buong Pilipinas, makatatanggap ng cash assistance mula sa DOLE

Lahat ng manggagawang Pinoy sa buong Pilipinas, makatatanggap ng cash assistance mula sa DOLE

COVID-19 UPDATES

Lahat ng manggagawang Pinoy sa buong Pilipinas, makatatanggap ng cash assistance mula sa DOLE

Makatatanggap ng cash aid ang lahat ng manggagawa sa buong Pilipinas mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa naging panayam Sonshine Radio kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi nitong pagkakalooban ng P5,000 ang lahat ng formal at informal workers.

Nilinaw naman ni Bello ang kabilang sa formal workers ay ang mga regular, contractual, casual at job order.

Habang kabilang naman sa informal workers ang mga tricycle driver, sidewalk vendor, masahista, manikurista, labandera maging ang mga combo na tumutogtog sa mga restaurant.

Sinabi naman ni Bello, para makuha ang cash assistance para sa mga formal workers ay maaari nang isumite ng employer ang mga payroll ng kanilang mga empleyado sa tanggapan ng DOLE at matapos ang 48 oras ay makukuha na ito.

Samantala, kailangan namang isumite na barangay captain, mayor o kongresista ang mga pangalan ng mga informal workers sa DOLE para mai-proseso ang kanilang cash assistance ngunit kailangan lang anila sumunod sa isang alituntunin ng ahensiya.

“Ngayon ang trabahong ibibigay namin ay sa bahay nila gagawin. maglinis at mag-disinfect ng kani-kanilang bahay.”

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top