COVID-19 UPDATES
Lalaking nag-ala Spiderman, namahagi ng relief goods
Good vibes ang hatid ng isang lalaking nag-viral sa social media matapos mamigay ng relief goods na nakasuot ng Spiderman costume sa Barangay Sta. Lucia, Tarlac
Tulong + Kasiyahan
Posted by Estefred Cordero Jr. on Friday, 10 April 2020
Kinilala ang “Spiderman” ng Victoria, Tarlac na si Estefred Cordero Jr.
Ayon kay Cordero, nais niya lamang makapagbigay ng kaunting tulong sa kaniyang mga kapitbahay at makapagbigay-saya na rin lalo’t naka-lockdown ang kanilang probinsya
Bukod sa mga residenteng naghahatid tulong, tuloy din ang gobyerno sa relief distribution sa probinsiya para sa mga pamilyang apektado ng quarantine.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Estefred sa mga frontliners dahil aniya sa kanilang trabaho, responsibilidad, oras at pagsisikap na kanilang ginagawa ay hindi ito mabibili o masusuklian ng kung ano mang bagay.