Connect with us

Lalaking tumalon sa departure area sa NAIA, binawian na ng buhay

Lalaking tumalon sa departure area sa NAIA, binawian na ng buhay

National News

Lalaking tumalon sa departure area sa NAIA, binawian na ng buhay

Nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga naiwang pamilya ng biktima.

Ayon sa MIAA base sa nakuhang ID kinilala ang biktima na si Michael Laureño ,26 taong gulang na  isang helper mula sa Sto Tomas Batangas.

Matatandaang kahapon naiulat na tumalon ang biktima mula sa public area ng departure level ng NAIA Terminal 1 at bumagsak ito sa semento ng arrival area.

Nangyari ang insidente pasado alas dose ng hapon.

Agad isinugod ng MIAA medical team ang biktima sa Pasay City General Hospital dakong 1:14 ng hapon at dakong 2:45 ng hapon nang inanunsyong binawian na ng buhay si Laureño.

Sa pahayag ng MIAA Airport Police Department, isang babae ang nakasaksi na  bago nangyari ang insidente  ay nakitang  balisa at hindi mapakali ang biktima  palakad-lakad ito at nakatingin sa malayo sa labas ng departure area.

‘Di nagtagal pagkatapos nakita ng saksi ang lalaki na umakyat sa pasamano at tumalon.

Ang pahayag ng babae ay tumpak sa inilabas na pagsusuri sa CCTV .

 

 

More in National News

Latest News

To Top