COVID-19 UPDATES
Lalawigan ng Cebu, nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19
Nakapagtala na ng unang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang lalawigan ng Cebu.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) Central Visayas kahapon, kung saan kasalukuyang naka-confine ang pasyente sa Mandaue City hospital, ngunit base sa pinakabagong medical bulletin ng pasyente ay gumaling na at malapit itong ilabas sa hospital.
Ayon kay Dr. Jaime Bernadas, Regional Director ng (DOH) na ang nagpositibo sa COVID-19 ay isang 65 years old na lalaki, Filipino at professional.
Napag-alaman di na walang travel history sa labas ng bansa ang nagpositibo subalit may travel history sa ilang bahagi ng Mindano at Manila.
Dagdag pa ni Bernadas, na agad nilang ikinonsidera na person under investigation (pui) ang pasyente noong na-admit ito Marso 6 at kinuhaan ng swab test noong Marso 11 at nakuha ang resulta kung saan nagpositibo ito sa COVID-19.
Kukuha pa ng ibang swab samples ang DOH sa pasyente upang masiguro na negatibo na at ligtas na ito sa nasabing sakit.
Kaugnay nito, ipanag-utos na Cebu Governor Gwen Garcia ang agresibong contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng pasyente upang mabigyan ng kaalaman at agad na isasailalim sa self-quarantine.
Striktong ipapatupad narin ng gobernador ang one meter social distancing policy sa lahat ng mga pampublikong saksayan sa buong probinsya.
Maari lang magsakay ng isang pasahero ang bawat tricycle, ipinagbawal din muna ng gobernador ang back ride sa lahat ng mga motor.
Ang nasabing hakbang ng gobernador ay para na rin sa kaligtsan ng mga Sugbuanon at maiwasan ang paglaganap pa ng nasabing sakit sa probinsya.
Ulat ni: Brian Capunong