Connect with us

Landslide survivors sa Baybay, Leyte, lubos ang pasasalamat kay Pastor Apollo

Landslide survivors sa Baybay, Leyte, lubos ang pasasalamat kay Pastor Apollo

National News

Landslide survivors sa Baybay, Leyte, lubos ang pasasalamat kay Pastor Apollo

Lubos ang pasasalamat ng mga landslide survivor sa Baybay, Leyte kay Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, ang executive pastor ng The Kingdom of Jesus Christ.

Ito ay matapos silang makatanggap ng relief goods mula sa butihing pastor.

Katuwang ang SMNI Foundation, Children’s Joy Foundation Inc. at Sonshine Philippines Movement, daan-daang nag-uumapaw na balde ang ipinamahagi ng mga volunteers na may lamang food items, cooking utensils, gamot, hygiene kits at malinis na tubig.

Kasama sa nabiyayaan ng tulong ay ang mga residente mula sa Mailhi, Bunga, Butigan at mga taga-Brgy. Kantagnos.

Tumungo rin ang relief operations team sa Brgy. Villa Solidaridad kung saan ang pagkain at tubig ay isa mga matindi nilang pangangailangan.

Malaki ang kanilang pasasalamat sa butihing pastor dahil sa kabila ng layo ng Davao City sa Baybay City ay hindi pa rin sila nalimutan ni Pastor Apollo.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang Baybay LGU kay Pastor Apollo sa pagpapadala nito ng tulong sa kanilang residente na sinalanta ng Bagyong Agaton.

Para naman sa mga nais sumuporta sa humanitarian efforts ni Pastor Apollo ay bukas po ang tanggapan ng SMNI Foundation sa inyong mga donasyon para agad makapag-abot ng tulong sa panahon ng sakuna.

More in National News

Latest News

To Top