National News
Lantawan Basilan, idineklarang Abu Sayyaf free na
Idineklarang Abu Sayyaf free na ang bayan ng Lantawan, Basilan.
Ito ang inihayag ni Basilan Governor Hadjiman Hataman-Salliman sa isang seremonya sa Barangay Manggas, Lantawan Basilan na pinagtibay ng mga matataas na military at police officials ng nasabing lalawigan.
Sa nasabing seremonya, ibinida ng gobernador ang kahalagahan ng ipinakitang pagkakaisa ng lalawigan upang makamit ang kapayapaan.
Kasabay ng deklarasyon ay iba’t ibang matataas na kalibre ng armas ang isinuko at narekober mula sa mga dating miyembro ng Abu Sayyaf.
Sinabi ni 101st Infantry Batallion Commander Brigader General Alvin Luzon na ang pagiging ASG-free ng Lantawan, Basilan ay maituturing na makasaysayan.
