Connect with us

Larawan ni Mayor Guo kay PBBM, ‘di patunay na magkakilala sila

PBBM, itinangging magkakilala sila ni Mayor Guo; Larawan kasama si Guo, ‘di patunay na magkakilala sila

National News

Larawan ni Mayor Guo kay PBBM, ‘di patunay na magkakilala sila

Itinanggi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na walang ibig sabihin ang larawan nila ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa gitna ito ng kontrobersyang kinakaharap ni Guo hinggil sa kanyang citizenship at umanoy koneksyon niya sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Tarlac.

Kung matatandaan, inilabas ni Guo ang larawan nilang dalawa ni PBBM matapos sinabihan ito na hindi siya kilala ng pangulo.

Bilang sagot dito ay binigyang-diin ni PBBM na noong campaign period para sa 2022 national elections ay nasa mahigit kumulang 1-K katao ang nagpapa-picture kasama siya.

Ibig sabihin, kahit may larawan silang dalawa ay hindi nangangahulugan na magkakilala sila ni Guo.

Sa ngayon ay ipinasasailalim ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman sa preventive suspension si Guo.

Ito ay matapos makapagbigay ng ulat ang binuong task force para busisiin ang umanoy pagkakadawit ng alkalde sa iligal na opreasyon ng POGO sa kaniyang nasasakupan.

Ang rekomendasyon ay naisumite na ng DILG nitong nakaraang linggo.

Sakali namang mapatawan si Mayor Guo ng supensyon ay ang bise mayor ang uupo bilang alkalde sa Bamban, Tarlac.

More in National News

Latest News

To Top