Connect with us

Las Pinas LGU, humingi ng paumanhin dahil sa nakaligtaang social distancing

Las Pinas LGU, humingi ng paumanhin dahil sa nakaligtaang social distancing

Metro News

Las Pinas LGU, humingi ng paumanhin dahil sa nakaligtaang social distancing

Nagpaliwanag ang pamunuang lokal ng Las Pinas City kaugnay sa nangyaring dagsa ng tao sa distribusyon ng relief goods sa city hall kahapon.

Ayon sa City Administrator, misinterpretation ang nangyari, kaya naman humihingi sila ng paumanhin sa sinasabing kapabayaan lalo na sa social distancing protocol,  kaugnay nito,  gagawin nang house to house ang distribusyon ng relief goods sa mga residente nito.

Humingi ng paumanhin ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas sa nangyaring gulo sa City Hall matapos dumagsa ang mga residente sa pamamahagi ng relief goods sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Ikinalungkot kasi ng pamahalaang lokal ang biglaang pagkalat ng hindi magandang balita ukol sa nangyari.

Kapansin-pansin sa kumalat na video na naging imposible ang social distancing measures nang mag-unahan ang mga tao sa pagkuha ng ipinamimigay na suplay partikular ang bigas, 3 pakete ng noodles, 4 na canned goods, pakete ng kape at gatas.

Ayon kay Las Piñas City Administrator Reynaldo Balagulan,  ng mga ipinamigay na relief goods ay para sana sa indigent job order workers ng city hall at hindi sa mga residente.

Ikinagulat aniya nila ang biglaang pagdagsa ng mga tao at maging ang mga pulis na nagpapatupad ng isang metrong distansya ay nagtaka na dumami ang nanghihingi.

Kaya naman, para sa kaligtasan ng lahat ng residente ay ihahatid na sa kani-kanyang tahanan ang mga relief goods.

Hiniling nito ang kooperasyon ng mamamayan at manatili na lamang sa bahay habang umiiral ang enhanced community quarantine

Nasa 50,000 relief packs muna ang inisyal na bilang na ipamamahagi ng lokal na pamahalaan nito at una munang babahagian ang pinakaapektadong barangay ng unang distrito ng nasabing lungsod.

Habang isusunod naman dito ang iba pang mga tukoy na lugar na bibigyan ng tulong.

More in Metro News

Latest News

To Top