Connect with us

Late enrollees para sa SY 2023-2024, tatanggapin ng DepEd hanggang katapusan ng Setyembre

Late enrollees para sa SY 2023-2024, tatanggapin ng DepEd hanggang katapusan ng Setyembre

National News

Late enrollees para sa SY 2023-2024, tatanggapin ng DepEd hanggang katapusan ng Setyembre

Tatanggapin parin ng Department of Education (DepEd) ang late enrollees para sa school year (SY) 2023-2024 hanggang sa katapusan ng buwan.

Inihayag ni DepEd Deputy Spokesperson Assistant Secretary Francis Bringas na gumagalaw pa rin ang mga enrollment number habang patuloy ang pag-update ng mga paaralan sa kanilang data sa list.

Sa datos mula sa Learner Information System (LIS) ng DepEd, ang Calabarzon ang may pinakamaraming bilang ng enrollees sa ngayon na 3,821,034.

Sinundan ito ng Central Luzon na may 2,817,827, National Capital Region (NCR) na may 2,675,386, at Central Visayas na may 1,999,476.

Kung ikukumpara sa nakaraang taon ani Bringas, kulang pa rin ng 3-M sa target dahil halos 26-M (25,890,617) lamang ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan, pribadong paaralan, State Universities and Colleges (SUCs), at Local Universities and Colleges (LUCs) ang na-enrol.

Sa kabila nito ay nananatiling kumpiyansa ang ahensya na maabot ang 28.8-M enrollment target nito para sa kasalukuyang school year.

 

More in National News

Latest News

To Top