Connect with us

Lead team ni Senatorial Candidate Pastor Quiboloy sa P20 bigas, taktika lang ng Marcos Jr. admin

Lead team ni Senatorial Candidate Pastor Quiboloy sa P20 bigas, taktika lang ng Marcos Jr. admin

National News

Lead team ni Senatorial Candidate Pastor Quiboloy sa P20 bigas, taktika lang ng Marcos Jr. admin

Sa gitna ng matinding kahirapan at patuloy na pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr., inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang P20/kilo ng bigas.

Sabi ng taumbayan tila isa itong hakbang na sa unang tingin ay aakalain mong sagot sa gutom ng mga Pilipinong kakarampot lang ang kinikita.

Pero kung titingnang maigi, malinaw na isa lamang itong pampulitikang taktika gimik kung tawagin para palabasin na may ginagawa raw ang kasalukuyang administrasyon.

Si senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, na kilala sa adbokasiya para sa kapakanan ng lokal na magsasaka, ay kinuwestiyon ang timing at layunin ng programa, “It is an artificial move which will not have any lasting effect because it was precisely timed during election and it is an artifice simply to impress upon the public that he is doing something about.”

Ayon kay Torreon, binibigyang-diin ni Pastor Quiboloy na ang tunay na reporma ay hindi nanggagaling sa instant o pakitang-taong aksyon.

Para sa kanya, ang solusyon sa mataas na presyo ng mga bilihin lalo na ang bigas ay dapat nakabatay sa pangmatagalang polisiya, hindi sa mga pansamantalang palabas, “Ang gusto kasi ni Pastor, prices should go down as a result of effective governmental policies. Kaya nga, mayroon siyang proposed Philippine Food Sufficiency Act… through that, prices of low supply and demand will not surely go down. ‘Yun po ang dream ni Pastor.”

Ang Philippine Enhancement Food Sufficiency Act na isinusulong ni Pastor Quiboloy ay naglalayong tapusin ang matagal nang pagdepende ng bansa sa imported na pagkain.

Sa ilalim ng panukalang ito, bibigyang suporta ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang lupain nang hindi inaalis sa kanila ang pagmamay-ari.

Kasama rin dito ang pagpopondo sa mga traktora, abono, at imprastraktura gaya ng mga bodega at farm-to-market roads upang mapabilis at maging mas epektibo ang distribusyon ng produkto.

Isang long-term food security solution ang layunin ni Pastor Quiboloy na makatutulong hindi lang upang mapababa ang presyo ng bigas, kundi upang mapatatag ang kabuuang sektor ng agrikultura ng bansa.

Kaya naman may paalala siya sa taumbayan, lalo na sa harap ng mga galaw ng administrasyon na tila sinadya ang paglulunsad ng P20 na bigas ilang araw bago ang halalan, “Dapat hindi tayo magpa-budol sa ganitong mga tactica kasi sa kahaba-haba ng panahon, itinaon pa days before the election. ‘Yung taumbayan ay nag-iisip din kung bakit ngayon at tsaka bakit pili-pili lang. Supposedly, doon lang sa Cebu kasi hindi maiiwasan na baka itinaon lang ‘yun dahil sa election.”

Giit pa ni Torreon, ang tunay na solusyon ay hindi dapat umaasa sa biglaang programa kundi dapat nakaangkla sa konkretong mga polisiya tulad ng isinusulong ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa ilalim ng Philippine Enhancement Food Sufficiency Act.

More in National News

Latest News

To Top