Connect with us

Learning center na gawa sa recycled materials, itatayo sa Davao City

learning center

Regional

Learning center na gawa sa recycled materials, itatayo sa Davao City

Isang children’s learning center naman na gawa sa mga recycled plastics ang itatayo sa Davao City bilang bahagi ng Eco-Brick Project.

Gamit ang mga plastik ng shampoo at candy wrappers na isinilid sa mga bote ng tubig, nakagawa sila ng mga eco brick na gagamitin sa konstruksyon ng establisyimento.

Ayon kay Eco-Brick Project Chairperson, Hannah Chloe Cano, bahagi ito ng adbokasiyang nilang mabawasan ang mga kalat at basura sa Davao.

Nangongolekta rin ang grupo ng mga patapong plastik na maaari pang gamitin upang hindi ito mapunta sa karagatan, o makabara sa mga tubig-daluyan na pag-uugatan ng pagbaha.

Tuwing Sabado naman, nagsasagawa ng workshop na nagtuturo sa mga residente kung paano pakinabangan ang mga plastik upang makatulong sa gagawing learning center.

Inaasahan namang matatapos ang ginagawang children’s learning center na bukas sa lahat ng bata at indigenous people sa Sitio Magwawa, Marilog sa Abril.

 

Ulat ni: Jao Gregorio

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top