Metro News
Lebel ng tubig sa Angat dam, patuloy ang pagbaba
Patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.
Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrological Division, bumaba pa sa 202.08 meters ang water level sa Angat kaninang 6:00 AM.
Nabawasan ito ng 0.09 centimeters mula sa 202.17 meters na water level kahapon ng umaga.
Maliban sa Angat, bumaba rin ang antas ng tubig sa La Mesa Dam, Binga, San Roque, Pantangan at Magat.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang ipinatutupad na rotational water interruption ng Manila Water at Maynilad bunsod ng patuloy na pagbaba ng Tubig sa Angat at bilang paghahanda na rin sa summer season.