Connect with us

Lebel ng tubig sa Angat dam, patuloy na nababawasan

Lebel ng tubig sa Angat dam, patuloy na nababawasan

Regional

Lebel ng tubig sa Angat dam, patuloy na nababawasan

Nabawasan pa sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Batay sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)  Hydrologydivision, nasa 199.73 meters na lang water level ng Angat kaninang 6:00 AM.

Malayo na ito sa 212 meters na normal high water level ng dam.

Maliban sa Angat, nabawasan din ang antas ng tubig Sa La Mesa na nasa 76.84 meters na lamang habang nanatili sa 101 meters ang water level sa Ipo dam.

Pawang nabawasan rin ang water level sa ilan pang dam sa Luzon maliban sa Ambuklao at Magat dam na bahagyang nadagdagan.

Una nang inihayag ng National Water Resources Board (NWRB) na sisiguraduhin nila ang sapat na suplay ng tubig ngayong may krisis ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na higit na kailangan para sa pagpapanatili ng kalinisin sa katawan.

More in Regional

Latest News

To Top