Connect with us

Lebel ng tubig sa Angat Dam, sumadsad sa below minimum operating level

Lebel ng tubig sa Angat Dam, sumadsad sa below minimum operating level

Metro News

Lebel ng tubig sa Angat Dam, sumadsad sa below minimum operating level

Ang tubig mula sa Angat Dam ang pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng tubig ng mga residente ng Metro Manila.

90% kabahayan ang umaasa dito araw-araw kasama na riyan ang mga residente ng Rizal, ilang bahagi ng Cavite at Bulacan.

Pero, dahil sa matinding epekto ng El Niño phenomenon sa ating bansa ay mabilis na bumababa ang lebel ng tubig sa naturang dam.

Mula kasi sa 212 meters na siyang normal high-water level nito ay sunod-sunod ang pagbaba nito hanggang sa naabot nito ang minimum operating level na 180 meters.

Pero, sa pinakahuling datos ng PAGASA, alas-6 ng umaga ng Huwebes, Mayo 23 ay sumasadsad na ito sa below minimum operating level na 179.68 meters.

Dahil dito, mas pinaigting pa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang kanilang mitigating measures para matiyak pa rin ang kasapatan ng suplay ng tubig.

2 beses na magbabawas ng water pressure ang MWSS.

Ito ‘yung paghina ng suplay ng tubig na lumalabas sa mga gripo sa mga kabahayan.

Magsisimula ito ng alas-12 ng tanghali hanggang alas-4 ng hapon na susundan naman mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Apektado ng bawas suplay sa tubig ang mga kabababayan nating nasa Quezon City at Maynila.

“Yung tubig sa ating bahay kapag may second floor ka aabutin, mayroon pa ring tubig na lumalabas o malakas pa rin ‘yung pressure sa second floor. Pero, kapag ginagawa natin ‘yung pressure management babawasan natin around 3 PSI so ‘yung tubig mo sa second floor ay hihina na lamang,” ayon kay Department Manager, Water and Sewerage Management Department, MWSS, Engr. Patrick James Dizon.

Pero, hindi naman daw ibig sabihin na mawawalan na ng suplay ng tubig ang mga residente sa Metro Manila at karatig probinsya nito.

“We are doing this to preserve ‘yung natitirang tubig sa ating reservoir since wala pang pag-uulan,” dagdag pa ni Engr. Patrick James Dizon.

Sa kabila daw kasi ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam ay napako pa rin sa 52 cubic meters per second (CMS) ang alokasyon ng Angat para sa konsesyonaryo.

Hiniram kasi ngayon ng MWSS ang 3cms na alokasyon ng tubig para sana sa irigasyon o agrikultura.

Paliwanag ng MWSS, napagkasunduan naman ito sa pagitan ng irrigators association ngayong patapos na ang anihan.

Pero, nakaalalay pa rin ang MWSS sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tulong.

“Bibigyan natin ‘yung ating mga sakahan o mga irrigator association ng tulong just like magbigay ng fuel subsidy sa kanila. Nagbigay tayo ng around 500 shallow tube wells para magamit sa kanilang mga sakahan,” ani Dizon.

More in Metro News

Latest News

To Top