Regional
Lebel ng tubig sa mga dam, patuloy ang pagbaba
Patuloy pa rin ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam na pangunahing nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila.
Ayon sa PAGASA Hydro-Meteorological Division, bumaba ng 0.20 meters ang water level ng Angat dam kumpara sa 195.97 meters kahapon habang may kaunting pagbaba nang 0.01 meters ang water level ng Ipo dam at 0.20 meters naman ang binaba ng water level ng Ambuklao.
Nabawasan din ang antas ng tubig sa ilang dam sa Luzon gaya ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dam.