Regional
Lebel ng tubig sa mga dam sa Luzon, patuloy na nababawasan
Nabawasan pa sa nakalipas na magdamag ang lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon.
Batay sa monitoring ng PAGASA Hydro-Meteorological Division kaninang 6:00 AM, bumaba pa sa 192.95 meters ang water level sa Angat dam kumpara sa 195.15 na naitala kahapon ng umaga.
Ang Angat ang pangunahing dam na pinagkukunan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.
Bumaba rin sa 77.09 meters mula sa 77.10 meters ang water level sa La Mesa Dam at sa Ipo dam na bumaba sa 100.40 meters mula sa 100.48 meters kahapon.
Bukod dito, pawang nabawasan rin ang antas ng tubig sa iba pang dam sa Luzon maliban sa Binga at Magat dam na bahagyang nadagdagan.