Regional
Lebel ng tubig sa mga pangunahing dam sa Metro Manila, patuloy ang pagbaba
Patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam na nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila at karatig-probinsya nito.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bumaba sa 0.14 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam, habang 0.1 meters ang ibinababa ng tubig sa Ipo at 0.4 meters sa La Mesa Dam.
Kabilang din sa mga dam na bumaba ang lebel ng tubig ay Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat, Caliraya dam.
Inaasahan naman na magpapatuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa naturang mga dam kasunod ng nalalapit na pagpasok ng dry season o panahon ng tag-tuyot.
Sa ngayon ay nagpapatupad ang mga water concessionaire ng water service interruption bilang paghahanda sa posibleng epekto ng tagtuyot sa suplay ng tubig sa metro manila at karatig-probinsya nito.