Connect with us

Legal Counsel ng KOJC, iginiit na overkill ang raid ng PNP-SAF at CIDG

Add New Post ‹ DZAR 1026 Sonshine Radio — WordPress

National News

Legal Counsel ng KOJC, iginiit na overkill ang raid ng PNP-SAF at CIDG

Nanindigan si Atty. Israelito Torreon Legal Counsel ng The Kingdom of Jesus Christ na overkill ang ginawang pagsisilbi ng warrant of arrest kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa 5 pang kasamahan nito.

Paliwanag ni Atty Torreon, hindi dapat humantong sa puwersahan kung magsisilbi lamang ng warrant dahil maari namang idaan ito sa maayos at mahinahong usapan.

Magugunitang naging sentro ng kontrobersya ang marahas na paglusob ng PNP-SAF at CIDG sa ilang religious compounds ng KOJC.

Maliban sa mga nasira, nagdulot din ng takot at trauma sa mga kabataan ang bayolenteng aksyon ng PNP-SAF at CIDG sa mga tinungo nitong lugar na pag-aari ng KOJC.

More in National News

Latest News

To Top