Regional
Leyte, niyanig ng Magnitude 5.5 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Leyte, Leyte.
Naitala ang pagyanig sa 8 km Timog-Silangan ng Leyte, kaninang 5:19 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 9 km.
Naitala ang intesity 5 sa Leyte, Kananga, Capoocan, at Pastrana, Leyte; Tacloban City at Ormoc City.
Intensity 4 sa Palo, Dulag, Babatngon, Alang-Alang at Palompon, Leyte; Mandaue City, Cebu City; at Naval, Biliran.
Habang intensity 3 sa Lapu-Lapu City at Lawaan, Eastern Samar.
Ayon sa PHIVOLCS ay asahan ang mga pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
Dahil sa lindol, sinuspinde na ang mga klase sa lahat ng antas sa bayan ng Carigara.
