Connect with us

LGU, wala umanong hurisdiksyon sa iligal na operasyon ng POGO

LGU, wala umanong hurisdiksyon sa iligal na operasyon ng POGO

National News

LGU, wala umanong hurisdiksyon sa iligal na operasyon ng POGO

Hindi umano dapat isisi sa lokal na pamahalaan ang mga illegal na aktibidad na ginawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nadiskubre sa Porac, Pampanga.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Porac Mayor Jaime “Jing” Capil, ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) mismo ang pumayag na mag-operate ito bilang POGO at sya ring may kapangyarihang mag-regulate at mag-inspeksyon ng operasyon nito.

Giit pa ni Mayor Capil na nag-isyu ang kanilang Sangguniang Bayan noong 2019 ng “Letter of No Objection” (LONO) kung saan binigyan ng business permit ang lucky south 99 bilang “outsourcing” noong 2019 at 2020 habang 2021 naman nag-isyu ang PAGCOR ng POGO license sa kumpanya batay sa LONO na nakuha nito mula sa Sanggunian Bayan ng LONO at ng taon din na iyun hanggang 2023 ay nag-isyu ng business permit ang Porac LGU sa kumpanya bilang POGO operator.

Iginiit ng alkalde na walang naging pormal na komunikasyon ang PAGCOR sa Porac LGU na nagexpire na ang lisensya ng lucky south 99 at ngayon taon ay hindi umano nabigyan ng permit ng LGU ang lucky south99 dahil sa fire violation.

Iginiit ng alkalde na nag-operate ang kumpanya bilang lehitimong negosyo matapos itong nakasunod at nakapagsumite ng mga tamang dokumento ngunit inabuso nito ang hospitality ng kanilang bayan at wala anyang kapangyarihan ang kanilang LGU na mag-regulate, bisitahin o mag-inspeksyon gaya ng PAGCOR.

More in National News

Latest News

To Top