National News
LGUs, dapat magsagawa ng symptoms screening sa mga evacuation sites– DOH
Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga Local Government Unit na magsagawa ng symptoms screening ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa mga evacuees at at agad na ibukod ang mga ito sa mga evacuation sites.
Ito ay pansamantalang aksyon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga evacuation sites dahil sa ang mga RT-PCR test o kahit na rapid test ay hindi maaaring gawin dahil sa kasalukuyang crisis situation ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Dagdag ni Vergeire, ang mga LGUs ay dapat ding magkaroon ng nakahiwalay na pasilidad para sa evacuations site bukod sa COVID-19 quarantine facilities.
Dapat din aniyang maglagay ang mga ito ng handwashing areas sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Quinta.
Kung hindi maaaring masunod ang physical distancing dahil sa dami ng evacuees, dapat na mag-suot ng facemask at dalasan ang paghuhugas ng kamay.
