Connect with us

LGUs, wala pang natatanggap na abiso kaugnay ng AstraZeneca vaccine rollout

Wala pang abiso ang national governent para sa pamamahagi ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca.

National News

LGUs, wala pang natatanggap na abiso kaugnay ng AstraZeneca vaccine rollout

Wala pang abiso ang national governent para sa pamamahagi ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca.

Ito’y matapos dumating kagabi sa bansa ang 487,200 doses of COVID-19 vaccine mula sa British-Swede pharmaceutical firm.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, wala pa silang natatanggap na abiso sa DOH at sa national government kung paano ang rollout ng bagong dating na mga bakuna.

“Wala po kaming list, tinatanong ng mga mayor paano ang distribution dahil wala kaming natatanggap na vaccine,”ani Marikina City Mayor Marcy Teodoro.

Hiling naman ng alkalde na sanay maabisuhan sila agad sa susunod na hakbang ng pamahalaan para makatulong sila sa implementasyon at para makabangon na ang siyudad at buong bansa.

“Distribution ng Astrazenica, kailangan malaman ng mga mayors para makatulong sa distribution at effective administration ng vaccines,” saad pa nito.

Para naman kay Health Secretary Francisco Duque, “The long wait is finally over” sa pagdating ng bakuna sa bansa kagabi.

Kaugnay nito, nauna namang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang bagong dating na bakuna na Astrazenica ay para parin sa mga healthcare frontliners.

More in National News

Latest News

To Top