Connect with us

Liam Payne ng One Direction, pumanaw na

Liam Payne ng One Direction, pumanaw na

Showbiz

Liam Payne ng One Direction, pumanaw na

Pumanaw na si Liam Payne, ang dating myembro ng English-Irish pop boy band na One Direction.

Ito’y matapos nahulog mula sa isang hotel balcony sa Buenos Aires, Argentina nitong Miyerkules, Oktubre 16, 2024, 5PM Argentinian time.

Hindi pa matiyak kung tumalon o sadyang aksidenteng nahulog ang singer na nagtamo rin ng ‘serious injuries’ bago mamatay.

Sinubukan pa itong dahil sa ospital subalit hindi na ito kaya ng ‘resuscitation’ ayon sa emergency medical service ng Bueno Aires.

May mga impormasyon naman na lasing umano o gumamit ng illegal drugs ang singer.

Nasa Argentina si Payne para dumalo sa concert ng kapwa ex-One Direction bandmate na si Niall Horan.

Ilang oras bago ito pumanaw, may post pa si Payne sa instant messaging app na Snapchat.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa kanyang pagkamatay.

Continue Reading
You may also like...

More in Showbiz

Latest News

To Top