Connect with us

Liberal Party, may bago nang presidente

Liberal Party, may bago nang presidente

National News

Liberal Party, may bago nang presidente

Inihalal ng Liberal Party (LP) si Albay Rep. Edcel Lagman bilang bagong party president.

Si Lagman ay independent minority ngayon sa Kamara o hindi kaanib ng anumang pangkat ng mga kongresista sa mababang kapulungan.

Ayon kay Lagman, isusulong ng LP ang paggalang sa karapatang pantao, good governance, progressive taxation at kampanya kontra despotism o absolute power sa pamamahala.

Tiniyak din nito na babalik ang LP sa paparating na 2025 elections at patuloy silang magpapalakas.

“If there is determination, there is hope,” saad ni Lagman.

Si Lagman ang pumalit kay dating Senator Kiko Pangilinan, na naging chairperson ng partido kapalit ni dating Vice President Leni Robredo na natalo ng malaki kay Pangulong Bongbong Marcos sa nagdaang 2022 presidential race.

More in National News

Latest News

To Top