National News
Libreng annual medical check-up sa lahat ng Philhealth members, isinusulong
Pinangunahan ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang panghihikayat sa Philhealth na bigyan ang lahat ng mga myembro nito ng libreng annual medical check-up gaya ng sugar at cholesterol tests.
Ayon kay Duterte, ang preventive healthcare ay nakakatulong para mapabuti ang kabuoang kalusugan ng Philhealth members.
Magiging susi pa aniya ito para mabawasan ang gastos sa healthcare kalaunan.
Katuwang ni Rep. Duterte sa House Bill NO. 5074 sina Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS party list Rep. Edvic Yap.
