Connect with us

Libreng sakay ng MRT-3, pinalawig pa hanggang sa Hunyo 30

Nagpapatuloy na ‘Libreng Sakay’ ng MRT-3, dahil sa mataas na presyo ng langis

National News

Libreng sakay ng MRT-3, pinalawig pa hanggang sa Hunyo 30

Sa ikatlong sunod na buwan, muling pinalawig ang libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) hanggang sa Hunyo 30, 2022.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), bunsod na rin ito ng positibong feedback ng mga commuters na nabenepisyuhan ng free ride program at upang patuloy na makapagsilbi sa marami pang pasahero na apektado ng pagtaas ng langis at inflation.

Sinabi ng DOTr na mananatiling availabale ang free ride program sa lahat ng pasahero anumang oras sa pagitan ng operation hours ng rail line mula alas 4:40 ng umaga at alas 10:10 ng gabi.

Marso 28 nang inilunsad ang libreng sakay na nakatakda sanang magtapos noong Abril 30, 2022 ngunit pinalawig pa ng isang buwan hanggang Mayo 30, 2022.

Mula Marso 28 hanggang Mayo 24, 2022, sinabi ng MRT-3 na kabuuang 15,730,872 ang naserbisyuhan sa ilalim ng programa.

More in National News

Latest News

To Top