Metro News
Libreng solar charging station ng MMDA, bukas na sa publiko
Bukas sa mga motorista o sa mga e-bikers at e-scooter riders ang libreng solar charging station ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Matatagpuan ito sa bagong gusali ng ahensya sa Pasig City.
Ayon sa MMDA, itinayo ang solar charging station para mahikayat ang publiko na gumamit ng alternatibong transportasyon at clean and renewable energy.
Nagpaalala naman ang MMDA sa mga e-bikers at e-scooter riders na magdala ng kanilang sariling charging cords at cables.
Bukas ang MMDA solar-charging station mula alas 6 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.