Kingdom News
Libu-libong miyembro at manggagawa ng KOJC, nagtipon-tipon para sa selebrasyon ng kaarawan ni Pastor Apollo
Umaga pa lang ay tulong-tulong na sa pagpapaganda ng kanilang mga booth ang mga miyembro at manggagawa ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa headquarters nito sa Davao City.
Mula sa makukulay na balloons, dekorasyon at nagsasarapang mga pagkain.
Ang bawat booth o banquet kasi ay may kanya-kanyang preparasyon at ‘yung iba may Korean style samgyupsal at hindi mawawala ang lutong Pinoy.
Libu-libong mga miyembro at manggagawa ng KOJC mula sa ibat ibang lugar sa Pilipinas ang nagtipon-tipon ngayon.
Kasama na rin diyan ang iba pang kapatiran mula sa ibang bansa.
Ito ay para ipagdiwang ang selebrasyon ng ika-74 na taon na kaarawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Suot ng mga ito ang kani-kanilang naggagandahang Hawaiian attires.
Sa kabila ng panggigipit sa KOJC at lalong lalo na sa butihing pastor ay hindi ito naging hadlang para hindi ipagdiwang ang kanyang kaarawan.
Kitang-kita sa mga mukha ng bawat isa ang kasiyahan dahil sa pagmamahal ni Pastor Apollo sa lahat.
