Connect with us

Libu-libong Muslim, nagtipon sa Quirino Grandstand at Blue Mosque sa Taguig para sa Eid’l Fitr

Libu-libong Muslim, nagtipon sa Quirino Grandstand at Blue Mosque sa Taguig para sa Eid'l Fitr

Metro News

Libu-libong Muslim, nagtipon sa Quirino Grandstand at Blue Mosque sa Taguig para sa Eid’l Fitr

Hindi bababa sa 10-K mananampalatayang Muslim mula sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ang nagkaisa para ipagdiwang ang Eid’l Fitr sa Quirino Grandstand.

Ayon kay Datu Suhaili Abangon, organizer ng naturang event, taon-taon isinasagawa ang pagtitipon matapos ang 1 buwang pag-aayuno o Ramadan para sa isang pasasalamat at pananalangin ng mga kapatirang Muslim sa tuwing Eid’l Fitr.

Panawagan din ni Datu Suhaili sa mga dumalo ng pagtitipon na isabuhay ang mga natutunanan noong Ramadan at maging mabuting ehemplo sa mga Muslim at mamamayang Pilipino.

Samantala punong puno din ng mga mananampalatayang Muslim ang Blue Masjid, Islamic and Cultural Center o Blue Mosque sa Taguig City.

Humigit-kumulang 10-K din na mga Muslim ang nakiisa sa morning prayer kung saan masaya silang nagbatian, nagyakapan at nagbigay ng kapatawaran sa bawat isa.

More in Metro News

Latest News

To Top