Connect with us

Libu-libong trabaho para sa mga Pinoy, alok ng Romania

Libu-libong trabaho para sa mga Pinoy, alok ng Romania

National News

Libu-libong trabaho para sa mga Pinoy, alok ng Romania

Libo-libong trabaho para sa skilled workers, professional workers at iba pang manggagawa sa manufacturing sector ang alok ng Romania para sa mga Pilipino.

Ito ang sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Usec. Patricia Yvonne Caunan kasunod ng pagsisimula ng Philippines-Romania Friendship Week.

Sinabi din ni Ambassador of Romania to the Philippines Râduta Dana Matache, bukod sa mga nabanggit nangangailan din sila ng mahigit 3-K truck driver na mga pawang Pilipino.

Ipinagmamalaki din ng ambassador na hindi hamak na mataas ang suweldo at benepisyo na natatanggap ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Romania ito’y dahil sa mas mababa ang halaga ng kanilang pamumuhay doon kumpara sa mga karatig-bansa sa Europa.

Ayon kay Matache, ang karaniwang buwanang suweldo ay €900 o higit sa P54-K plus benefits gaya ng healthcare.

Sinabi naman ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, saklaw sa memorandum of understanding (MOU) na bilateral labor cooperation agreement sa pagitan ng Pilipinas at Romania ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa Romania.

Sa ngayon nasa 2-K overseas Filipino worker’s (OFWs) ang kasalukuyang nasa Romania.

Sa pamamagitan ng 2 araw na Philippines-Romania Friendship Week, muling pinagtibay ng DMW at ng Embahada ng Romania sa Pilipinas ang matagal nang pagkakaibigan ng 2 bansa.

Tampok sa friendship week ang educational seminars.

Kasama sa iba pang aktibidad ang mga palabas sa pelikula, mga panimulang aralin sa wikang Romanian, at hybrid-kamustahan session kasama ang komunidad ng OFW sa Romania.

Nag-set up din ang DMW ng photo exhibit na nagpapakita ng mga kuwento ng mga pagsubok at tagumpay ng mga OFW sa Romania at mga food-tasting booth para sa mga OFW na bumibisita sa DMW Head Office sa Mandaluyong City.

More in National News

Latest News

To Top