National News
Lisensiya ng baril ng ex-police officer na nanutok ng baril, ni-revoke na ng Firearms and Explosives Office – PNP
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang pag-revoke ng lisensiya ng isang dating pulis na kinilalang si Willie Gonzales matapos itong masangkot sa isang road rage incident sa Welcome Rotonda Quezon City noong August 8, 2023.
Sa isang viral video post, nakita si Gonzales na nasagi ang sasakyan nito ng isang siklista dahilan ng kanyang galit laban dito.
Makikita rin ito na binatukan ang siklista hanggang sa naglabas ito ng kanyang baril kasabay ng pagbabanta.
Ayon kay PNP Civil Security Group Office Acting Director Benjamin Silo, bahagi ito ng kanilang mahigpit na pagpapaalala sa mga gun owners na maging responsable sa paggamit ng baril at hindi dapat maging instrumento ng pananakot sa publiko.
Nauna nang sumuko si Gonzales sa Quezon City Police District at kalaunay nairelease din matapos na iatras ng biktima ang reklamo laban sa kanya.
Napag-alaman na isang dating pulis si Gonzales at kasalukuyang miyembro ng Department of Public Order and Safety ng QC government.
