Connect with us

Lisensya ng driver na sangkot sa SCTEX accident, tuluyan nang binawi ng LTO

Lisensya ng driver na sangkot sa SCTEX accident, tuluyan nang binawi ng LTO

National News

Lisensya ng driver na sangkot sa SCTEX accident, tuluyan nang binawi ng LTO

Binawi na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng bus driver na sangkot sa trahedya sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) matapos niyang tumangging sumailalim sa drug test.

Sa isang press briefing, sinabi ni LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II na permanenteng diskwalipikado na ang driver ng Solid North Bus na pinaniniwalaang dahilan ng salpukan ng ilang sasakyan sa northbound toll plaza ng SCTEX noong May 1.

Sampung tao ang nasawi habang mahigit 30 ang nasugatan nang salpukin ng bus ang isang van at sports utility vehicle na nakapila sa toll plaza.

Samantala, binawi na rin ng LTO ang mga lisensya ng 98 bus drivers na nagpositibo sa iligal na droga sa isinagawang random drug test bago ang Semana Santa.

Sakaling papayagan namang magmaneho ang mga driver na may kanseladong lisensya, ay maaaring bawiin ng LTO ang prangkisa ng mga kumpanya ng bus.

More in National News

Latest News

To Top