Connect with us

Local sugar production hanggang 2025, para sa domestic use

Local sugar production hanggang 2025, para sa domestic use

National News

Local sugar production hanggang 2025, para sa domestic use

Nakalaan lang para sa domestic consumption ang buong sugar production ng kasalukuyang crop year.

Ayon ito sa Sugar Regulatory Administration (SRA) batay sa kanilang Sugar Order (SO) No. 1 ng crop year 2024-2025.

Tinatayang aabot naman ng 1.78M MT (metriko tonelada) ang kabuoang produksyon ng asukal sa naturang crop year.

Samantala, matatandaang maaaring makatulong ang La Niña para mapalakas ang lokal na produksyon ng asukal.

Sa pahayag ni SRA Administrator Pablo Azcona, kung sa huling quarter nga ng taon tuluyang magsisimula ang La Niña, advantage ito dahil kasabay ng mga pag-ulan ang pagsibol ng mga sugarcane o tubo.

Subalit nananatiling nakasisira parin ng mga pananim ang madalas na mga pag-ulan.

Sa taya ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), posibleng mabubuo ang La Niña ngayong Setyembre hanggang Nobyembre.

Posible rin itong magtatagal hanggang sa unang quarter ng taong 2025.

More in National News

Latest News

To Top