Connect with us

Localized lockdown, pinaboran ng Malakanyang para mapigilan ang Delta variant

Pinaboran ng palasyo ang pagpapatupad ng localized lockdown sa mga lugar na posibleng kakitaan ng Delta variant ng COVID-19.

Health

Localized lockdown, pinaboran ng Malakanyang para mapigilan ang Delta variant

Pinaboran ng Palasyo ang pagpapatupad ng localized lockdown sa mga lugar na posibleng nakitaan ng Delta variant ng COVID-19.

Ito, ani Presidential Spokesman Harry Roque, upang masiguradong patuloy pa rin na makapagtrabaho ang mas maraming mamamayan.

Kaugnay nito, inatasan na ang mga lokal na pamahalaan na pairalin ang granular lockdowns kung hindi kayang itaas ang mga restriksyon ng community quarantine sa lugar kasabay ng pagpapaigting ng “Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate response.”

Dagdag pa ni Roque, “total health” ng mga Pilipino ang isinusulong ng pamahalaan kung saan lilimitahan ang pagkalat ng coronavirus habang nagpapatuloy ang paghahanapbuhay nang sa gayon hindi tumaas ang bilang ng mga nagugutom.

Ang localized lockdown ay bilang pagpabor ng Malakanyang kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ipatupad ito.

Samantala, inihahanda na ang kapasidad ng mga ospital para sa mga intensive o critical cases at staffing services.

More in Health

Latest News

To Top