National News
Lockdown sa Metro Manila, hindi aprubado ng pangulo
Hindi aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng lockdown sa Metro Manila dahil sa pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa pangulo, hindi pa ganun kalala ang contamination ng virus sa Kamaynilaan para mag-lockdown.
Sinabi rin ni Duterte na maapektuhan ang pag-transport sa mga basic commodities.
Umaasa din ang pangulo na hindi aabot sa lockdown ang Metro Manila dahil sa kaso ng Coronavirus.
Nauna namang iminungkahi ni Albay Representative Joey Salceda ang lockdown sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagdami ng tinatamaan ng COVID-19.
Samantala, una namang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang presidential proclamation para sa “State of Public Health Emergency” kaugnay pa rin sa banta ng COVID-19.