COVID-19 UPDATES
LOOK | Mga bansang nangunguna sa may pinakamaraming nasawi dahil sa COVID-19
Nangunguna pa rin ang bansang Estados Unidos na may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Batay sa talang inilabas ng Worldometer, umabot na sa 34,580 ang bilang ng nasawi sa Estados Unidos.
Pumapangalawa sa bilang ang Italy na may 22,170.
Sinundan ito ng Spain na may 19,315 habang nakapagtala na rin ng 17,920 nasawi sa bansang France.
Ang bansang Italya naman ay umabot na sa 13,729 ang naitalang fatality dahil sa nakamamatay na COVID-19.