National News
Lookout bulletin ng BI, harassment ng Marcos Admin – Roque
Naniniwala at iginiit ni Atty. Harry Roque na harassment ang inilabas ng Department of Justice (DOJ) na Immigration Bulletin Lookout Order (ILBO) laban sa kanya.
Ipinaliwanag ni Roque na ang tanging ebidensya na ibinabato sa kanya ng pamahalaan ay yung sinamahan lang naman niya si Katherine Cassandra Li Ong para itakda muli o magre-schedule ang nakatakda nitong pagbabayad ng tax sa PAGCOR; at pangalawa ay paglabas ng organizational chart ng Luck South 99 na hindi naman anya siya dapat kasali sa listahan bilang opisyal ng kompanya.
Ang hakbang anya na ito ng pamahalaan ay naglalayon na patahimikin siya bilang kritiko ng kasalukuyang Marcos administration.
Inaasahan na umano niya ito makaraan ang kanyang panawagan na inilabas niya sa kanyang facebook account na dapat ay manatiling drug free ang Malacañang, makaraan ang rebelasyon ng eye witness na si Cathy Binag.
Nanindigan pa si Roque na walang dahilan para siya ay umalis ng bansa at haharapin umano niya lahat ng mga nag-aakusa sa kanya para sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya na may kaugnayan sa POGO.