Connect with us

Lorenzana, umaasa na ipagpagpapatuloy ng susunod na DND Sec. ang AFP modernization

Lorenzana, umaasa na ipagpagpapatuloy ng susunod na DND Sec. ang AFP modernization

National News

Lorenzana, umaasa na ipagpagpapatuloy ng susunod na DND Sec. ang AFP modernization

Umaasa si Defense Secretary Delfin Lorenzana na ipagpapatuloy ng susunod na kalihim ng Department of National Defense (DND) ang mga proyekto ng kagawaran,

Kabilang na rito ang modernization program at ang pagtugis sa mga komunista o Communist Party of the Philippines, New People’s Army at mga terorista.

Una nang inihayag ni AFP Spokesperson Army Colonel Ramon Zagala na lubusang nabawasan ang local terrorist matapos ang kaliwa’t kanang pakikipaglaban ng kampo ng pamahalaan laban sa mga ito.

Ang mga grupong ito ay Jemaah Islamiyah, Daulah Islamiya, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Abu Sayyaf Group.

Ani Lorenzana, dapat ding ituloy ang modernization program para maprotektahan ang maritime domain ng bansa kabilang ang exclusive exonomic zone (EEZ) at sovereign rights.

Sa kabila nito,sinabi ni Lorenzana na kailangang hikayatin ng mga top military officials ang Kongreso na maglaan ng pondo para sa maintenance ng mga bagong military assets.

More in National News

Latest News

To Top