National News
LPA, pumasok na sa Philippine Area of Responsibility
Nakapasok na sa teritoryo ng Pilipinas ang isang Low Pressure Area (LPA) na maaaring makaapekto sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa layong 850km sa Silangan ng Davao City.
Sa ulat ng PAGASA, mahina ang naturang namumuong sama ng panahon at maliit ang tiyansang maging panibagong bagyo.
Maliban dito, nakakaapekto rin sa bansa ang Hanging Amihan na nagdadala ng malamig na hangin sa Luzon at Visayas.
