Connect with us

LRA, uunahing linisin ng DOJ; BuCor, isusunod

LRA, uunahing linisin ng DOJ; BuCor, isusunod

National News

LRA, uunahing linisin ng DOJ; BuCor, isusunod

Unang lilinisin ni Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang Land Registration Authority (LRA).

Ito ang sinabi ng kalihim sa kanyang unang talumpati bilang bagong Justice secretary.

Ito aniya ay matapos mapakinggan ang kwento ng kanyang kaibigan na umano’y may sindikato sa loob ng LRA at sa halos lahat ng sangay ng gobyerno.

Kaugnay nito, tiniyak ni Remulla na uunahing linisin ang LRA at isusunod aniya ang mga katiwalian sa Bureau of Corrections (BuCor) na aniya’y sisira sa bansa kapag hindi matutuldukan.

Hiniling din ni Remulla sa mga opisyal at tauhan ng DOJ na tulungan siya para mapahusay pa ang kanilang serbisyo sa taumbayan.

More in National News

Latest News

To Top