Metro News
LRT-1 Cavite Extension Phase 1, halos 100% nang tapos
Ininspeksyon ng Department of Transportation (DOTr) ang Dr. Santos Station ng LRT-1 Cavite Extension Phase 1 project.
Nasa 98.2% na ang kabuuang progress rate ng nasabing proyekto.
Binubuo ito ng 5 istayon kung saan ang ilan sa mga ito ay halos 100% nang tapos at 2 sa mga istasyon na ito ay konektado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
LRT-1 Cavite Extension Phase 1
(completion rate)
- Dr. Santos Station 97.7%
- Ninoy Aquino Station 93.5%
- Asia World Station 90.4%
- MIA Station 97.2%
- Redemptorist Station 97.4%
Inaasahan ang partial operation nito sa huling quarter ng 2024.
Tinatayang aabot sa 50-K pasahero ang accommodate sa oras na magbukas ang pasilidad sa publiko.
Kaya sabi ng mga opisyal, malaki ang tulong ng proyekto para pagaanin ang mabigat na daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.
“With the 50,000 passengers passing through this, mababawasan ‘yung sasakay sa private cars and other public utility vehicles. So that will contribute in solving some traffic problems,” ayon kay Sec. Jaime Bautista.
“We’re hoping to double that in terms of forecast, I think it’s going to double to 80,000 to 100,000. So definitely that would somehow impact directly and indirectly traffic,” ayon naman kay Light Rail Manila Corporation, GM, Enrico Benipayo.
“This would be a duplicate with the PITX. Ganoon ang mangyayari. Well-coordinated with the city.”
“We will put up an intermodal here. Kukumpletuhin po natin para in and out from this station will be easier,” saad ni Parañaque City, Congressman Edwin Olivarez.
Pero ang tanong naman ng karamihan, magkano naman kaya ang pamasahe rito?
“Currently, we will be applying the same fare which is P13.29 boarding fare. And for distance fare kumbaga bawat kilometro malalakbay, it’s P1.21 additional.”
“Halimbawa kung manggagaling ka ng Baclaran at bababa ka ng Dr. Santos Station, nasa P25.00 ang pamasahe at kung magmumula ka naman sa FPJ Station at tutungo sa Dr. Santos, nasa P45.00 ang pamasahe,” sabi ni DOTr, Asec. Jorjette Aquino.
“This is even cheaper than the existing fare for buses and jeepneys,” ani Bautista.
Nagsimula ang konstruksyon ng LRT-1 Cavite Extension Phase 1 noong September 2019 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sabi naman ng Light Rail Manila Corporation na inumpisahan na ang preliminary works para sa Phase 2 at Phase 3 bilang preparasyon sa konstruksyon nito.
Inaasahang matatapos ito sa taong 2031 kung saan mula sa isang oras at 10 minutong biyahe mula Baclaran at Bacoor ay bababa na ang travel time sa 25 minuto.