Metro News
LRT-1, magpapatupad ng crowd control measures sa darating na pasukan
Naghahanda na ang mga railway company sa Metro Manila para sa muling pagdagsa ng mga pasahero ngayong nalalapit na pasukan.
Ang LRT-1 magpatutupad ng mahigpit na crowd control measure kasabay ng inaasahang pagbabalik ng mga pasaherong estduyante.
Ayon kay Jacqueline S. Gorospe, tagapagsalita ng Light Rail Manila Corporation, isa sa kanilang gagawing hakbang ay ang pagdedeploy ng mga platform marshall sa mga matataong istasyon gaya ng EDSA, Monumento at mga end-station.
Magpapatupad ang LRT-1 ng passenger limit kada platform.
“Meaning doon sa entrance pa lamang pag nakikita ng ating station personnel or security na yung platform ay medyo puno na or napupuno na, then at the entry nililimit na rin or kinokontrol one at time. Para rin hindi magkaroon o magcause ng crowding sa platforms,” ayon kay Light Rail Manila Corporation, Spokesperson, Ms. Jacqueline S. Gorospe.
Ngayon ayon kay Gorospe, pumapalo na sa humigit kumulang 370-K ang ridership sa LRT-1.
Ito ay katumbas ng 80% sa bilang ng ridership noong pre-pandemic na nasa 450-K – 470-K.
“With the upcoming resumption of clasess, I think more schools or institutions na magiging fully onsite then we see a more stable level of at least 80% in ridership for LRT-1,” dagdag pa nito.
Hinikayat naman ng LRT-1 ang mga estudyante at mga magulang na ang magbayad ng pamasahe gamit ang QR code para iwas pila.
Sa buwan ng Setyembre nakatakdang maglunsad ang LRT-1 ng mga bagong QR beep lane sa mas maraming istasyon.
“So ‘yung mga gumagamit ng QR tickets at beep cards para rin mas mapabilis buong experience. Kasi sinasabi namin faster and more convenient, so dadagdagan namin sila ng special lane para mas ma-enjoy nilang ang benefits ng saving of time doon sa paggamit nito,” saad pa nito.
