Metro News
LRT-2 at MRT-3, may alok na free ride sa solo parents
Nag-aalok ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng sakay para sa solo parents ngayong April 20, 2024.
Pakikiisa ito ng LRT-2 at MRT-3 sa ipinagdiriwang na National Solo Parent’s Day.
Ang libreng sakay ay magsisimula alas 7 -10 ng umaga at alas 5 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi.
Kailangan lang na magpakita ang beneficiaries ng valid solo parent’s identification card (ID).
