Connect with us

LTFRB chief, maagang sinubaybayan ang posibleng epekto ng tigil-pasada ngayong araw

LTFRB chief, maagang sinubaybayan ang posibleng epekto ng tigil-pasada ngayong araw

Metro News

LTFRB chief, maagang sinubaybayan ang posibleng epekto ng tigil-pasada ngayong araw

Alas 4 ng madaling araw ng Lunes, ika-20 ng Nobyembre ay personal na umikot si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofilo Guadiz III sa mga rutang inaasahang maapektuhan ng 3-araw na tigil-pasada.

Ito ay upang mamonitor ang sitwasyon ng mga pasahero pati na rin ang suplay ng pampublikong sasakyan.

Pasado alas 6 ng umaga ay tinungo ng LTFRB chief ang kahabaan ng Philcoa sa Quezon City.

Sa kanilang inisyal na monitoring, maayos pa ang daloy ng public transport partikular sa nabanggit na lugar.

Ito raw yung karaniwang sitwasyon ng public transport at volume ng mga pasahero dito araw-araw.

Kaya wala silang nakikitang problema sa suplay ng public transport dahil nasa humigit-kumulang 250 na mga sasakyan din yung kanilang ipinakalat para maghatid ng libreng sakay.

Iba pa rito ang libreng sakay ng Quezon City government at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para masiguro na tuloy-tuloy ang pasada.

Pero, may ilang lugar lamang sa QC ang kanilang binabantayan para matiyak na tuloy-tuloy ang pasada.

Nagbabala rin si Guadiz na totohanin niya ang pagsusupinde ng prangkisa sa mga lalahok sa tigil pasada na maghaharass, mambabato o manghihikayat ng mga tsuper.

Inaasahan mamayang alas 3 ng hapon ay makikipag-usap siya sa lider ng grupong Piston sa Monumento.

Ito ay tugunan ang kanilang problema at tigilan na ang ikinasang tigil-pasada na malaking abala sa mga kababayan.

More in Metro News

Latest News

To Top