Connect with us

LTFRB, pahahabulin ang unconsolidated PUJ operators sa PUVMP

LTFRB, pahahabulin ang unconsolidated PUJ operators sa PUVMP

National News

LTFRB, pahahabulin ang unconsolidated PUJ operators sa PUVMP

Ikinokonsidera ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pagbigyan ang unconsolidated public utility jeepney (PUJ) operators na sumali at humabol sa Jeepney Modernization Program.

Nabanggit ito ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III sa isang press briefing sa Malacañang.

Ngunit sinabi ni Guadiz na ang pagkakataong sumali sa mga kooperatiba at korporasyon ay hindi magpapahintulot sa mga drivers at operators ng PUJ na lumikha ng kanilang sariling grupo.

Inihayag naman ni Department of Transportation (DOTr) Usec. Jesus Ferdinand Ortega na nasa 83% na ang consolidated operators at drivers.

Ang natitirang 17% ay binubuo na ng unconsolidated and unregistered PUJ operators.

Samantala, inaayos na ng gobyerno ang mga ruta ng public utility vehicles (PUVs) sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Binanggit ni DOTr Sec. Jaime Bautista na kapag natapos na ang route rationalization o ang paglikha ng local public transport route plan ay tutukuyin na ang kumikita at sustainable na mga ruta para sa PUVs.

More in National News

Latest News

To Top