Connect with us

LTO, pinahihinto ang implementasyon ng No-Contact Apprehension Policy

LTO, pinahihinto ang implementasyon ng No-Contact Apprehension Policy

National News

LTO, pinahihinto ang implementasyon ng No-Contact Apprehension Policy

Ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO) na isuspinde na muna ng mga local government unit ang kanilang No-Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ayon kay LTO Chief Teofilo Guadiz III, kasunod ito sa desisyon nilang pagsasaayos sa panuntunan dahil marami sa mga public utility vehicle drivers at private vehicle owners ang nagrereklamo.

Batay sa mga reklamo, walang adjustment sa mga multa kahit hindi gaanong mabigat ang naging paglabag, at kawalan ng stoplight countdown timers kung kaya’t mahirap na masunod ang NCAP.

Ilan sa mga lugar na nagpapatupad ng NCAP ay ang Manila City, Parañaque City, Quezon City, San Juan City at Valenzuela City at maging ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa edsa.

More in National News

Latest News

To Top