Connect with us

Lucena City sa Quezon Province, isinailalim sa state of calamity dahil sa bagyong Aghon

Lucena City sa Quezon Province, isinailalim sa state of calamity dahil sa bagyong Aghon

Metro News

Lucena City sa Quezon Province, isinailalim sa state of calamity dahil sa bagyong Aghon

Isinailalim sa state of calamity ang Lucena City dahil sa malawakang pinsala dito na dulot ng bagyong Aghon.

Hindi na idinetalye pa ng public information office ang mga pinsala subalit lubog na sa baha ang Quezon Province lalong-lalo na ang Lucena dahil sa bagyo.

Nasa 1, 250 na pamilya o 5, 607 katao mula sa ibat-ibang barangay ng lungsod ang apektado at lumikas.

Kaugnay nito, sa Memorandum Circular DHT-03 ni Gov. Angelina Tan, pinasuspinde na nito ang pasok ng lahat na school levels sa probinsya.

Suspendido rin ang trabaho sa mga government office para bigyan ng sapat na panahon ang mga apektadong resident na tugunan ang epekto at pinsala ng bagyong Aghon.

More in Metro News

Latest News

To Top